Cybersex raid: 2 Dutch todas
May 27, 2005 | 12:00am
Patay ang magkapatid na Dutch na pinaniniwalaang mga utak ng isang sindikato ng cybersex syndicate makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) sa isinagawang pagsalakay sa dalawang sex den, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Hendrics Eric Van Engelenberg, 38 at Wilhelm Corilles Cheiri Van Engelenberg, 24, kapwa nanunuluyan sa No. 66 6th St., Balete Drive, Brgy. Mariana ng nasabing lungsod.
Nadakip naman ang Pinay na asawa ni Eric na si Veronica Silvano na siyang nagre-recruit ng mga babae at ang cashier na si Edward Lagutan, sa isinagawa ring pagsalakay sa isa pa nilang cybersex den sa 954-A Aurora Blvd. sa panulukan ng Ermin Garcia sa Cubao, Quezon City.
Nailigtas naman ang anim na babae na naabutan sa loob ng cybersex den.
Lumilitaw sa impormasyon na dakong alas-10:15 ng gabi nang maganap ang pagsalakay ng tauhan ng Task Force Hunter sa nabanggit na address makaraang magpalabas ng search warrant si RTC Executive Judge Antonio Eugenio.
Ang unang raid ay isinagawa sa Balete Drive matapos na isa sa mga babae na biktima ng sindikato ang humingi ng tulong sa naturang task force kung saan ikinuwento nito ang ilegal na operasyon ng magkapatid na Engelenberg.
Sinabi ng impormante na hindi na umano niya makayanan ang pambababoy na ginagawa sa kanila partikular na ang paggamit sa kanilang katawan ng mga dayuhan na ibini-video ng mga ito at inilalagay sa internet site nila.
Pagpasok ng mga awtoridad sa naturang bahay ay agad na silang sinalubong ng pagpapaputok ng baril ng mga dayuhan kung kayat napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad na siyang naging dahilan sa pagkasawi ng dalawang dayuhan.
Isinunod naman ang raid sa Cubao na dito na nasagip ang dalawa sa kanilang biktima.
Inihahanda na ng Task Force Hunter ang paghahanda ng kaso sa mga nadakip. (Ulat nina Doris Franche at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended