^

Metro

Judge biktima ng 'Akyat-bahay'

-
Nilooban ng hindi pa nakikilalang miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang bahay ng isang judge kung saan natangay ang humigit-kumulang sa P.1 milyon na kinabibilangan ng mga ahalas, mahahalagang kagamitan at cash, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntinlupa City police laban sa hindi pa nakikilalang suspect na mabilis na nakatakas matapos ang isinagawang panloloob.

Nakilala naman ang biktima na si Judge Norma C. Perello, ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) at naninirahan sa Block 12, Lot 5, Express View Villas, Brgy. Putatan ng nabanggit na lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi nang madiskubre na nawawala ang mahahalagang kagamitan, alahas at cash ng judge.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang kakikilanlan sa suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AKYAT-BAHAY GANG

BRGY

EXPRESS VIEW VILLAS

JUDGE NORMA C

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY REGIONAL TRIAL COURT

NAGSASAGAWA

NAKILALA

NILOOBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with