^

Metro

Bibig ng MMDA officials "zipperan' muna

-
Ipinatutupad ang "news blackout" sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos iutos ni Chairman Bayani Fernando sa dalawa pang matataas na opisyal nito at sa mga tauhan na itigil muna ang pagkokomento at pagpapa-interview sa media kaugnay sa mga negatibong isyu laban sa MMDA.

Nagbigay ng direktiba si Fernando kina Dep. Chairman Cesar Lacuna at Gen. Manager Robert C. Nacianceno na umiwas muna sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng ahensia upang huminto ang "word war" sa pagitan ng MMDA at ng Metro mayors.

Sinabi ni Fernando na sayang ang oras na kukunsumuhin sa pagpapaliwanag kung sarado ang isipan ng pinatutungkulan kaya’t ang mainam ay magtrabaho na lamang.

Nabatid na ang pananahimik ng MMDA ay isa umanong ‘silent mode defense’ sa mga batikos na ginagawa ng ilang alkalde at transport groups na laban sa ahensiya.

Ayon kay Fernando, mula nang maupo ito para manungkulan sa MMDA, maraming offensive remarks na natanggap at ang pinakagrabe rito umano ay ang alegasyon na isa itong diktador at nagpapatupad ng batas trapiko sa Metro Manila nang walang mandate.

Mananahimik ang MMDA hanggang sa mamatay ang mga negatibong isyu ng ahensiya at maghilom ang sugat na nilikha ng pagbabatuhan ng masasakit na salita na sumisira sa kredibilidad at reputasyon ng nanunungkulan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN CESAR LACUNA

FERNANDO

IPINATUTUPAD

LORDETH BONILLA

MANAGER ROBERT C

MANANAHIMIK

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with