^

Metro

OFW nasagasaan ng LRT

-
Isang lalaking balikbayan ang umano’y tumalon sa riles ng light rail transit (LRT) sanhi upang masagasaan ito ng paparating na tren sa Vito Cruz station, kahapon ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima sa pangalang Rolly Buenafe, 40, isang overseas Filipino worker (OFW), ng Block 47, Lot 2, Bagong Silang, San Pedro, Laguna, na agad na isinugod sa Philippine General Hospital.

Ayon kay LRT Administrator Mel Robles, dakong alas-4 ng hapon nang iulat sa kanya ang pagtalon ng isang lalaki sa riles ng tren sa may Vito Cruz station.

Sinabi ng mga security guard na hindi nila nakita ang aktuwal na pagtalon nito at nakita na lamang nila ang biktima na nasa ilalim na ng tren dahil sa sigawan ng ibang pasahero.

Humihinga pa umano ang biktima nang marekober sa ilalim ng tren at isugod sa nasabing pagamutan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal pang kalagayan ang biktima.

Hindi rin naman malinaw kung sinadyang tumalon ng biktima o aksidente lamang na nahulog sa riles dahil sa pagtutulakan ng mga walang disiplinang pasahero. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADMINISTRATOR MEL ROBLES

AYON

BAGONG SILANG

DANILO GARCIA

HABANG

HUMIHINGA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

ROLLY BUENAFE

SAN PEDRO

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with