^

Metro

Inireklamong kawani ng DSWD nagpaliwanag

-
Itinanggi kahapon ng isang kawani ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na nakatalaga sa Makati City ang akusasyon sa kanya ng isang negosyante na sinampahan nila ng kasong rape noong nakaraang buwan kaugnay sa umano’y panghahalay nito sa isang 14-anyos na katulong.

"Ginagantihan lang nila, kaya nila ako kinasuhan ng attempted robbery extortion sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa hindi nila ako nakayang suhulan at hindi namin inurong ang demandang rape laban kay Rodolfo dela Cruz".

Ito ang pahayag kahapon ni Nena Balbas, na nakatalaga sa DSWD sa Makati City.

Bukod dito, sinabi pa ni Balbas na mula nang hindi niya iurong ang paghaharap ng kasong rape laban kay dela Cruz ay nakatanggap na siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Ipinaliwanag pa nito na noong Abril 6, 2005, tatlong beses siyang tinawagan ng anak ni dela Cruz, na si Mary Macapagal.

Pinagbantaan umano siya nito na iurong ang kaso laban sa kanyang ama at inalok pa siya ng halagang P250,000 kapalit ng hindi niya pagsuporta sa kaso.

Gayunman, itinuloy pa rin nila ang kaso laban kay dela Cruz na maaaring siyang ikinagalit ng pamilya nito at ginawan naman siya ng kaso sa Ombudsman.

Mariin nitong pinabulaanan na nanghihingi siya ng P1 milyon sa rape suspect na si dela Cruz para maiurong ang demanda.

Si dela Cruz ay ipinagharap nila ng kasong rape makaraang ilang ulit nitong gahasain ang 14-anyos na dalagita na kanilang katulong. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ABRIL

BALBAS

BUKOD

CRUZ

DELA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARY MACAPAGAL

NENA BALBAS

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with