^

Metro

NBI informer itinumba

-
Muli na namang dumanak ang dugo sa loob ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila matapos na masawi ang isang umano’y informer ng National Bureau of Investigation (NBI), kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Ali Rasul Botowan, 36, may asawa, tubong Marawi City at residente ng Quiapo, Maynila.

Nabatid mula sa ulat ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa kahabaan ng Palanca St., Quiapo Islamic Center.

Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima ng bigla na lamang itong lapitan ng hindi nakikilalang suspect at pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect habang agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

Ayon sa ilang residente, minsan umanong nabanggit ng biktima na kinuha siyang informer ng NBI kaya malaki ang posibilidad na mga kriminal partikular na ang mga miyembro ng sindikato ng droga ang pumaslang dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALI RASUL BOTOWAN

AYON

DANILO GARCIA

ISLAMIC CENTER

KASALUKUYAN

MARAWI CITY

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PALANCA ST.

QUIAPO ISLAMIC CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with