^

Metro

Driver, inutas sa harap ng kanyang mag-ina

-
Dahil sa gitgitan sa kalye, isang tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng umano’y kanyang mga kapitbahay sa harap mismo ng kanyang mag-ina kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Leonardo Enriquez, 25, ng 69 San Jose Village, Q.C. matapos na magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan habang mabilis namang nakatakas ang magkapatid na suspect na sina Jerald at Greg Silangan at dalawa na hindi pa nakikilala.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Road 18 Ext. at Road 23 sa Brgy. Bahay Toro.

Sakay ng kanyang tricycle ang biktima kasama ang kanyang mag-ina at papauwi na nang makagitgitan nito ang mga suspect na sakay ng kotse na Mazda na may plakang TPU-760.

Bumaba ang mga suspect at nagalit sa biktima kung saan walang sabi-sabing binaril umano ni Jerald sa dibdib si Enriquez. Hindi pa umano nasiyahan ang suspect, muli pa nitong pinaputukan ang biktima ng ilang ulit.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang mga suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

BAHAY TORO

BATAY

BRGY

DORIS FRANCHE

GREG SILANGAN

JERALD

LEONARDO ENRIQUEZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

SAN JOSE VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with