^

Metro

14-anyos na totoy,pinagselosan, pinaslang

-
Pinatay sa saksak ang isang 14-anyos na estudyante ng isang binata makaraang magselos ang huli nang makita niyang kasabay ng kanyang girlfriend ang una, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Hindi na umabot ng buhay nang isugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Cesar Bulacan, estudyante, ng Block 74, Lot 6, Purok 6, Brgy. Upper Bicutan, Taguig City. Nagtamo ito ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Kaagad namang tumakas ang suspect na si Eric Abejuela, 19, ng #59 Sampaloc St., Brgy. Western Bicutan, ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa Maharlika Road, Brgy. Upper Bicutan, ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar at nakasabay nito ang girlfriend ng suspect na si Debbie Bermejo, 15.

Nagselos ang suspect at paglapit nito, biglang pinagsasaksak ang biktima na naging agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon ay hinahanting ng pulisya ang suspect na si Abejuela at nahaharap sa kasong pagpatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

CESAR BULACAN

DEBBIE BERMEJO

ERIC ABEJUELA

LORDETH BONILLA

MAHARLIKA ROAD

SAMPALOC ST.

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

UPPER BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with