^

Metro

Pulis dedo sa sariling baril

-
Isang pulis ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay ng isang hindi nakikilalang lalaki gamit ang sariling baril ng biktima, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Nasawi noon din ang biktimang nakilalang si SPO3 Jaime Simbahan, nakatalaga sa Traffic Management Office sa Camp Crame at naninirahan sa 59 3rd St., GHQ Brgy. Signal Village ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng iba’t ibang tama ng bala ng baril sa katawan buhat sa kanyang kalibre .45 service firearm.

Blanko pa rin ang pulisya sa pagkakikilanlan sa suspect o mga suspects na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pamamaslang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na nagulantang buhat sa pagkakatulog ang pulis at pamilya nito nang maramdaman na may pumasok sa kanilang bahay.

Sinigawan ng biktima ang suspect kung sino ito at kung anong ginagawa nito sa loob ng kanilang bahay, ilang sandali pa ay narinig na ang sunud-sunod na putok ng baril.

Nakahandusay at duguan na ang pulis nang makita ng kanyang misis.

Mismong ang baril pa ng biktimang pulis ang ginamit sa pagpaslang sa kanya.

Matapos ang isinagawang pamamaril mabilis na tumakas ang suspect bitbit ang wallet at baril ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ukol sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BLANKO

BRGY

CAMP CRAME

ISANG

JAIME SIMBAHAN

LORDETH BONILLA

MATAPOS

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG CITY

TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with