^

Metro

Tsinoy huli sa drug bust

-
Kalaboso ang isang Filipino-Chinese matapos ang isinagawang buy-bust operation laban sa una, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nakakulong at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Joey Que, 33, ng #69 Soler St., Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong alas-5:30 nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban kay Que sa Honey Bee convenience store na nasa panulukan ng 5th Avenue at Rizal Ave. Ext. ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Northern Police District Office-Anti-Illegal Drug Task Force (NPDO-AIDTF) hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga ng suspect.

Nang magpositibo ay agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang NPDO-AIDTF kung saan isang pulis ang umaktong poseur-buyer.

Matapos na iabot ng suspect ang droga sa nagpanggap na awtoridad kapalit ng marked money ay mabilis itong dinakma ng mga nakaantabay na mga tauhan ng NPDO-AIDTF.

Nakuha sa pag-iingat ng suspect ang 54.74 gramo ng shabu habang nabawi rin ng mga awtoridad ang ginamit na marked money na umaabot sa P80,000. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DRUG TASK FORCE

FILIPINO-CHINESE

HONEY BEE

JOEY QUE

KALABOSO

REPUBLIC ACT

RIZAL AVE

ROSE TAMAYO

SOLER ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with