Press freedom mananatili
May 20, 2005 | 12:00am
Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP) na mananatili ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa.
Ginawa ng PNP ang garantiya sa gitna na rin ng patuloy na banta sa buhay ng mga mamamahayag sa bansa kung saan pinakahuling insidente ay ang pagtatangka sa buhay ng kolumnista ng Bulgar na si Pablo Hernandez.
Si Hernandez ay nakaligtas matapos gumanti ng putok nang pagbabarilin ng dalawang naka-motorsiklong armadong kalalakihan sa Valenzuela City, kamakalawa.
Siniguro ni officer-in-charge PNP Chief Deputy Director Gen. Ricardo de Leon na magiging katuwang ng mga mediamen ang pulisya upang maipreserba ang "Freedom of the Press".
Bukod dito, binigyang-diin pa ni De Leon na nakahanda silang makipagtulungan sa sinumang mamamahayag na nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay. Aniya, bukas ang PNP na mapag-usapan ang mga security requirements para sa mga mamamahayag.
Sa tala ng PNP, umaabot na sa limang mediamen ang napaslang sa taong ito na kinabibilangan nina columnist Marlene Esperat ng Tacurong City, Sultan Kudarat; DXAA commentator Klein Cantoneros ng Dipolog City; Starline Times Recorder publisher Philip Agustin; radio reporter Edgar Amoro ng Pagadian City at Arnulfo Villanueva ng Cavite. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended