Estudyante nagbaril sa sarili
May 18, 2005 | 12:00am
Dala ng labis na depresyon, nagbaril sa kanyang sentido ang isang 18-anyos na estudyante ng AMA Computer College, kahapon ng umaga sa Las Piñas City. Kinilala ang biktima na si John Paulo Cruz, ng #100 Carribal Park, BF Resort Village, Brgy. Talon 2, ng nasabing lungsod.
Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang amang si Alfredo Cruz dakong alas-11:10 ng umaga sa loob ng kuwarto ng anak.
Sa inisyal na imbestigasyon, bago natagpuan ang bangkay ay nakita ng mga kasambahay ng biktima na pumasok ito sa kanyang silid dakong alas-4 ng hapon kamakalawa para magpahina. Nang kamustahin ng ama ang binatilyo sa mga katulong, wala itong maisagot. Kinatok ng ama ang silid ng anak at nang mabuksan ang kuwarto ay tumambad ang duguang katawan ng biktima.
Nasa tabi ng biktima ang .9mm Berreta na ginamit ng biktima sa pagbaril sa kanyang sentido.
Ayon sa pamilya ni Paulo, wala silang alam na dahilan para ito magpakamatay. Gayundin, sinusugan ng girlfriend nito na hindi binanggit ang pangalan na malihim at hindi palakibo ang binatilyo.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa pagkamatay ng biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended