Kaanak na pinaslang na misyonaryo, nangagamba sa whitewash
May 18, 2005 | 12:00am
Duda ngayon ang mga kamag-anak ng pinaslang na misyonaryo sa umanoy pagtakas ng isa sa dalawang pulis na suspect sa krimen na hinihinala nilang posibleng nagkaroon ng sabwatan, kamakalawa ng umaga sa loob ng Ospital ng Maynila.
Dahil dito, inilagay na sa wanted list ng WPD ang mga suspect na sina PO2 Roman Rodriguez at PO2 Arturo Ladia, kapwa nakatalaga sa WPD-Station 7.
Si Rodriguez ang itinuturong bumaril at nakapatay sa biktimang si Luis Ferdeluces, 54, misyonaryo ng Servant Mama Mary at naninirahan sa Sta. Mesa, Maynila. Pinaslang ito noong Sabado ng gabi dahil sa pagtatalo sa gitgitan ng mga sasakyan.
Agad na nakatakas si Rodriguez, habang isinugod naman sa Ospital ng Maynila si Ladia makaraang tamaan ng bala ng baril ng una sa binti.
Sa nabanggit na ospital sinasabing tumakas si Ladia makaraang iwanan ng naka-duty na pulis na nagbabantay dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest