Sekyu tiklo sa tangkang panununog
May 18, 2005 | 12:00am
Dahil sa hindi mapaalis sa maayos na usapan ang mga pamilya na tumira sa loob ng binabantayan nitong lote, nagpasyang sunugin na lamang ng isang security guard ang mga barung-barong na itinayo ng mga una, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz., Maynila.
Bugbog-sarado naman ang inabot sa mga galit na residente ng suspect na si Romulo Lumahan, 35, ng AFM Security Agency at stay-in sa binabantayang lote sa may Aragon St., Sta Cruz, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa naturang lugar matapos na makipag-inuman ang suspect sa ilang barkada.
Ayon sa mga residente, nasaksihan nila nang buhusan ni Lumahan ng isang galong gas ang ilang mga bahay sa loob ng binabantayang lote at sindihan ito.
Agad namang naapula ng mga residente ang apoy at masuwerteng hindi na kumalat. Hindi naman nakatakas pa ang suspect makaraang masukol ng mga residente at pagtulungang gulpihin bago isinuko sa pulisya.
Nabatid na pag-aari ng isang Mr. Ramos ang naturang lote at pinababantayan upang hindi pamugaran ng mga squatter ngunit nakalusot pa ang ilan sa mga ito at nagtayo pa ng mga barung-barong.
Matagal na umanong pinaaalis ang mga pamilyang nakatira dito subalit nagmamatigas ang mga ito. Hinihinala na tuluyang napikon ang sekyu kaya nagpasya na lamang itong sunugin na lamang ang mga barung-barong. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended