^

Metro

Bitay sa 2 pulis na pumatay ng kabaro

-
Kamatayan ang inihatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa dalawa sa anim na pulis na napatunayang pumatay sa kanilang kabaro matapos na tumutol ang huli na bawasan ang kanilang nakumpiskang shabu sa isang Taiwanese, siyam na taon na ang nakakalipas.

Sa 46-pahinang desisyon ni Judge Luis Arranz ng Manila RTC Branch 11 pinatawan ng parusang kamatayan sina SPO2 Enrique Dabu at PO2 Alfredo Alawig, kapwa nakatalaga sa Valenzuela Police Station matapos na mapatunayang guilty sa pagpatay kay PO3 Miel Cafe.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang iba pang kasama ng dalawa na sina SPO2 Ponciano Miraples, PO2 Armando de Vera at PO2 Vivencio Corpuz, samantalang napatay naman sa isang shooting incident ang isa pang akusado na si SPO2 Romeo Ventinilla.

Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Nobyembre 30, 1996 dakong alas-4 ng hapon sa loob mismo ng Police Kabayan Center 1 na matatagpuan sa Doña Ata Subdivision, Marulas, Valenzuela City kung saan nakatalaga ang mga ito matapos ang isang drug operation sa Malanday.

Nabatid na nagalit ang mga akusado sa biktima makaraang ibuko sila ni Cafe na 15 kilo ng shabu ang kanilang nasabat mula sa isang Taiwanese subalit dalawang kilo lamang ang iprinisinta ng mga akusado sa korte.

Napatunayan ng korte na hindi iisa ang bumaril kay Cafe at base sa mga sugat at tama ng bala na kanyang tinamo ay lumilitaw na binaril ito nang paluhod.

Bukod sa parusang bitay ay pinagbabayad din ang mga akusado ng P50,000 bilang danyos at P325,000 bilang attorney’s fees. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

ALFREDO ALAWIG

ATA SUBDIVISION

ENRIQUE DABU

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDGE LUIS ARRANZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MIEL CAFE

POLICE KABAYAN CENTER

PONCIANO MIRAPLES

ROMEO VENTINILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with