^

Metro

Blue Wave Park kuta ng ‘bukas-kotse gang’

-
Isang editor ng pahayagang ito ang nabiktima ng modus operandi ng pinaniniwalaang nagkukutang mga miyembro ng ‘bukas-kotse’ at mga karnaper sa Blue Wave Park, noong Biyernes ng gabi sa Pasay City.

Dumulog sa pulisya para ipa-blotter ang naganap na insidente sa biktimang si Mario D. Basco, provincial news editor ng pahayagang ito.

Nakatakas naman sa mga nagpapatrulyang pulis ang hindi pa nakikilalang suspect na lulan ng motorsiklo at pinaniniwalaang gumagala at nagkukuta sa bisinidad ng Blue Wave Park sa kahabaan ng Macapagal Ave., Pasay City.

Batay sa ulat ng pulisya, sa pagitan ng alas-8:30 hanggang alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa parking area sa labas ng Bay Spa ng Blue Wave Park.

Nabatid na kasalukuyang nakaparada sa nabanggit na lugar ang Besta van ng biktima na may plakang WKC-979 habang ang huli ay nagpapa-foot spa sa loob ng nasabing establisimiyento.

Nagulat na lamang ang biktima nang makitang bukas ang sasakyan at wala na ang itim na bag nito na naglalaman ng US$400, mahahalagang kagamitan tulad ng 2-way Kenwood radio, mini laptop, Panasonic tape recorder, digital camera, Cross ballpen, ATM card, driver’s license, TIN, SSS at Medicard IDs at dalawang credit cards kung saan tinatayang aabot sa P.1 milyon ang kabuuang halaga ng mga nawala sa biktima.

Nabatid na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na may nabiktima ang pinaniniwalaang mga nagkukutang miyembro ng ‘bukas-kotse’ at mga karnaper sa nabanggit na bisinidad ng Blue Wave Park at dahil dito ay kinondena ng ilang mga mamamahayag ang kahinaan ng mga kagawad ng pulisya sa pagpapatupad ng police visibility at seguridad sa nasabing lugar. (Lordeth Bonilla)

BASCO

BATAY

BAY SPA

BLUE WAVE PARK

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL AVE

MARIO D

NABATID

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with