^

Metro

2 parak sugatan sa rambol

-
Nasugatan ang dalawang tauhan ng pulisya matapos na paulanan ang mga ito ng bala habang rumiresponde sa naganap na rambulan ng mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City

Nakilala ang mga sugatang pulis na sina PO3 Noel Agustin at PO1 Gary Dacumos

Si Agustin ay nagtamo ng tama ng shrapnel sa mata, habang si Dacumos ay tinamaan naman sa kamay

Arestado naman ang mga suspect na sina Rey Cahilig, 23; Isaac Cahilig, 29 at Jimmy Balalasca, 23

Batay sa impormasyong nakalap sa pulisya dakong alas-7:30 ng gabi ng makatanggap ng tawag ang mga alagad ng batas hinggil sa umano’y pagkakaroon ng rambulan ng mga kabataan sa Forest Hill Subdivision sa nasabing lungsod

Agad namang nagtungo ang mga alagad ng batas sa nasabing lugar subalit pagsapit ng mga ito sa may Mayang Pula at Consolacio St. ay agad silang sinalubong ng putok ng mga suspect

Agad na tinamaan ang dalawang pulis, habang naaresto naman ang tatlong suspect

Ayon sa mga residente, halos gabi-gabi ay nagkakaroon ng rambol sa nasabing lugar dahilan upang maglagay ng checkpoint ang pulisya sa nasabing lugar pero hindi pa rin tumitigil ang away ng mga grupo ng kabataan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

CONSOLACIO ST.

FOREST HILL SUBDIVISION

GARY DACUMOS

ISAAC CAHILIG

JIMMY BALALASCA

MAYANG PULA

NOEL AGUSTIN

QUEZON CITY

REY CAHILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with