2 parak sugatan sa rambol
May 15, 2005 | 12:00am
Nasugatan ang dalawang tauhan ng pulisya matapos na paulanan ang mga ito ng bala habang rumiresponde sa naganap na rambulan ng mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City
Nakilala ang mga sugatang pulis na sina PO3 Noel Agustin at PO1 Gary Dacumos
Si Agustin ay nagtamo ng tama ng shrapnel sa mata, habang si Dacumos ay tinamaan naman sa kamay
Arestado naman ang mga suspect na sina Rey Cahilig, 23; Isaac Cahilig, 29 at Jimmy Balalasca, 23
Batay sa impormasyong nakalap sa pulisya dakong alas-7:30 ng gabi ng makatanggap ng tawag ang mga alagad ng batas hinggil sa umanoy pagkakaroon ng rambulan ng mga kabataan sa Forest Hill Subdivision sa nasabing lungsod
Agad namang nagtungo ang mga alagad ng batas sa nasabing lugar subalit pagsapit ng mga ito sa may Mayang Pula at Consolacio St. ay agad silang sinalubong ng putok ng mga suspect
Agad na tinamaan ang dalawang pulis, habang naaresto naman ang tatlong suspect
Ayon sa mga residente, halos gabi-gabi ay nagkakaroon ng rambol sa nasabing lugar dahilan upang maglagay ng checkpoint ang pulisya sa nasabing lugar pero hindi pa rin tumitigil ang away ng mga grupo ng kabataan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended