Sa isang panayam, sinabi ni Nonoy About, climatologist ng PAGASA, kailangan munang magkaroon ng isang bagyo na may kasamang malakas ng pag-ulan sa Metro Manila upang tumaas ang tubig sa dam na nagsu-supply ng tubig sa kalakhang Maynila.
Ang paminsan-minsang pag-ulan na nararanasan ay hindi nakakasapat para tumaas mula sa critical level ang tubig sanhi naman ng matinding init na nararanasan.
Ipinaliwanag din ni About na ang water vapor na nadadala ng hangin mula sa dagat ang dahilan kung bakit maalinsangan at malagkit ang panahon ngayon. Ito anya ay epekto lamang ng wind motion na tumatama sa isang lugar. (Ulat ni Angie dela Cruz)