^

Metro

Kidnaper ng mga bata sa Luneta, timbog

-
Isang solvent boy na tumatangay ng mga anak ng mga palaboy sa Luneta ang nadakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) matapos na makilala ito at mailigtas ang sanggol na kanyang dinukot, kamakalawa sa lungsod ng Maynila.

Nakaditine ngayon sa WPD-Special Operations Group ang suspect na nakilalang si Salvador Robina, 28, ng Pilar Village, Las Piñas City.

Nasa pangangalaga naman ngayon ni Eloisa Natividad ang kanyang nabawing anak na si Baby John Ace, 7-buwang gulang.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na tinangay ni Robina ang sanggol noong Abril 21, habang natutulog ang mag-ina sa may Luneta Park dakong alas-3 ng madaling-araw.

Ipinagtapat ni Robina na nais sana niyang ibenta ang sanggol ngunit wala siyang makitang buyer kaya ibinigay na lamang niya ang sanggol sa isang babae na nakilala sa pangalang Baby, isang tindera sa South Mall sa Las Piñas.

Muli namang bumalik kamakalawa ng gabi sa Luneta si Robina kung saan nakilala ito ni Natividad at ipinadakip sa pulisya. Itinuro naman nito si Baby na ipinasok naman sa Samaritan Inc., isang bahay ampunan ang sanggol kung saan dito ito narekober.

Inihahanda na ang kasong kidnapping laban kay Robina. (Ulat ni Danilo Garcia)

BABY JOHN ACE

DANILO GARCIA

ELOISA NATIVIDAD

LAS PI

LUNETA

LUNETA PARK

PILAR VILLAGE

ROBINA

SALVADOR ROBINA

SAMARITAN INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with