^

Metro

NBI pasok sa Arcillas slay

-
Pumasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagpatay kay Sta. Rosa, Laguna Mayor Leon Arcillas sa loob ng kanilang municipal hall.

Sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na isang standard operating procedure sa kanilang ahensiya ang pagsasagawa ng isang "parallel investigation" sa isang malaking krimen tulad ng pagpaslang kay Arcillas.

Inatasan na nito si Southern Tagalog Regional Office director George Jularbal para umpisahan na ang sarili nilang imbestigasyon sa krimen.

Sinabi ni Wycoco na makikipagkoordinasyon din ang NBI sa PNP upang maikumpara ang kanilang mga makakalap na detalye para sa mas mabilis na pagresolba sa krimen.

Pangunahing hinihinala na isang grupo ng mga hitmen ng New People’s Army (NP) ang nasa likod ng pamamaslang kay Arcillas matapos na iutos umano nito ang demolisyon sa isang squatters’ area sa bayan at pagkapaslang sa lider ng mga maralita.

Hindi rin inaalis ng NBI ang anggulo na posibleng politika ang sanhi ng pagpatay sa alkalde.

Nasawi si Arcillas, 63, matapos na pangunahan ang isang mass wedding sa loob ng municipal hall. Hinihinala na isang pares ng mga ikinasal ang pumatay sa alkalde dahil sa sobra ang dami ng pares sa mga pangalang nakatala na mga nagpakasal. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARCILLAS

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

GEORGE JULARBAL

ISANG

LAGUNA MAYOR LEON ARCILLAS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW PEOPLE

SINABI

SOUTHERN TAGALOG REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with