^

Metro

Pasahe sa LRT at MRT tataas din sa Hunyo

-
Matapos na aprubahan ang fare hike sa mga pampasaherong jeep at bus, inaasahan na din ang pag-apruba ng pamahalaan sa pagtaas ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa darating na Hunyo.

Ayon kay LRT administrator Mel Robles, umaasa sila na sa darating na Hunyo maaaprubahan na ng Malacañang ang P10 nilang petisyon para sa fare increase.

Idinagdag pa ni Robles na kailangan na talaga nilang humingi ng dagdag pasahe dahil hindi na nila kayang pasanin ang lumalaking gastos para sa daily expenses ng kanilang mga tren.

Inamin naman ni Robles na kumikita ang LRT ng mahigit sa P1.8 milyon kada araw subalit hindi ito sapat dahil sa sobrang mahal ng kanilang daily expenses katulad ng pambayad sa kuryente, pambili ng mga nasirang materyales at pambayad sa kanilang mga tauhan.

Ayon naman kay MRT spokesman Mariano Gui, na inaasahan din nila na maaaprubahan ang kanilang P10 petisyon subalit kaya pa umano nilang pasanin ang mga gastusin hanggang sa buwan ng Hulyo.

Kung maaaprubahan ang hiling na P10 petisyon magiging P22 na ang minimum fare sa LRT na sa ngayon ay P12 lang, habang magiging P20 naman ang minimum na pasahe sa MRT na ngayon ay P10 lamang.

Umaabot sa 260,000 ang mga pasahero kada araw na sumasakay sa LRT Line 1 at 2, habang mahigit naman sa 300,000 ang sumasakay sa MRT. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

EDWIN BALASA

HULYO

HUNYO

IDINAGDAG

INAMIN

LIGHT RAIL TRANSIT

MARIANO GUI

MEL ROBLES

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with