Batay sa Declaration of Common Concern ng ilang mga media organization sa Kalakhang Maynila sinabi ng mga ito na hindi dapat payagan ng media na mangibabaw ang pamamaslang upang patahimikin ang isang mamamahayag.
Aniya, ang paninikil sa press freedom ay katumbas na rin umano ng kamatayan ng bawat Filipino.
Hindi rin umano dapat nililimitahan ng mga maimpluwensiyang tao ang sinusulat ng isang journalist.
Dahil dito, nararapat din umanong bigyan ng proteksiyon ng mga awtoridad ang mga mamamahayag na nagsisiwalat ng kabulukan sa pamahalaan.
Tiniyak din ng mga mamamayag na magiging pantay ang pagsusulat upang maiwasan ang anumang alitan sa pagitan ng isang journalist at kanyang binabatikos.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagkondena sa media killing ay sina Jake Macasaet, chairman ng Philippine Press Institute; Ferdie Maglalang, Pangulo ng Malacañang Press Corp; Inday Varona ng National Union of Journalist in the Phils. at Tony Antonio, pangulo ng National Press Club. (Ulat ni Doris Franche)