Bebot binoga dahil sa droga
May 10, 2005 | 12:00am
Hindi na nakalabas nang buhay sa loob ng Quiapo Islamic Center ang isang hindi pa nakikilalang babae makaraang apat na beses na barilin ng isang lalaki dahil sa hinalang sigalot sa droga, kahapon ng umaga.
Patuloy na inaalam ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad na 20-25-anyos, may taas na 411 talampakan, balingkinitan, nakasuot ng maroon na sando at pulang sweat shirt, checkered pants at sandals.
Sa ulat ng WPD-Homicide Section, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-5:30 ng umaga sa panulukan ng Marayag at Maliwanag Sts. sa loob ng Islamic Center.
Ayon sa nakasaksi, bigla umanong nilapitan ng suspect ang biktima at sinapak sa mukha. Hindi pa nasiyahan malapitan pa itong pinagbabaril sa ulo at katawan.
Bago pa tuluyang tumakas ang salarin ay siniguro pa nito na wala nang buhay ang biktima.
Sa kabila nito, wala namang gustong maging testigo sa mga residente at walang gustong kumilala sa suspect.
Pangunahing tinututukan ng mga awtoridad na posibleng may kaugnayan sa transaksyon sa ilegal na droga ang krimen at maaaring hindi Muslim ang biktima dahil sa wala pang kamag-anak ang umaako sa bangkay nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended