^

Metro

Retired teacher dedo sa ka-live-in

-
Basag ang bungo ng isang retiradong guro matapos na suntukin at iuntog ng kanyang kinakasama na malaki ang agwat ng edad sa kanya makaraang magselos ang huli sa umano’y pambababae ng una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Mauro Yap Sr., 84, ng D.M. Compound, Brgy. 73 ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan naman nakapiit ang kanyang kinakasama na si Yolly Laurenao, 30, ng nabanggit ding lugar.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-live-in.

Sinabi ng suspect na totoong tinalakan niya ang kanyang kinakasama dahil sa pagiging babaero kahit na nga matanda na ito.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima at dahil sa matinding galit nakuha niyang suntukin ang matanda na bumagsak sa lapag na semento.

Ayon sa pulisya, pinag-uuntog umano ng suspect sa semento ang ulo ng biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit napigilan siya ng ilan niyang kapitbahay.

Sinabi ng suspect na sawang-sawa na umano siya sa pagiging babaero ng biktima at nabigla lamang siya sa pangyayari. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BASAG

BRGY

CALOOCAN CITY

KASALUKUYAN

MAURO YAP SR.

NAGKAROON

ROSE TAMAYO

SINABI

YOLLY LAURENAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with