^

Metro

Bus holdap: 3 patay, 1 sugatan

-
Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang pulis sa Cagayan Province matapos na makipagbarilan sa mga holdaper kahapon ng tanghali sa loob mismo ng bus sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang pulis na si PO2 Rodel Villalon, 38, nakatalaga sa Traffic Police ng Cagayan Province Police Station sa Tuguegarao, Cagayan matapos magtamo ng limang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawa sa apat na suspect na napatay din ng nanlabang pulis.

Isang pang pasahero na nakilalang si Nicolo Raja ang nasugatan din sa insidente at ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center.

Dalawa sa mga holdaper ang mabilis na bumaba sa Victory Liner na may plakang CWF-935 matapos ang insidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Joel Gagaza ng Central Police District-Criminal Investigation Division, nagsimula ang bus holdap sa may San Simon at Bocaue sa North Expressway hanggang sa EDSA sa lungsod ng Quezon dakong alas-12 ng tanghali.

Habang kinukulimbat ng mga holdaper ang pera at mga kagamitan ng mga pasahero sa bus, inutusan ng mga ito ang driver na huwag hihinto.

Nabatid na lulan sa bus ang pulis na si Villalon na mabilis na bumunot ng baril at pinaputukan ang dalawa sa mga suspect na mabilis na bumulagta.

Gumanti naman ng putok ang dalawa pang suspect at tinamaan ang parak na ikinasawi nito.

Naganap ang pagpapalitan ng putok pagpasok ng bus sa Edsa sa Quezon City.

Mabilis na bumaba ang dalawang suspect sa Muñoz at tumakas patungong Congressional.

Agad namang nagpalabas ng artist sketch si CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan para sa pagkakakilanlan sa mga tumakas na suspects. (Ulat ni Doris Franche)

CAGAYAN PROVINCE

CAGAYAN PROVINCE POLICE STATION

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CHIEF SUPT

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOEL GAGAZA

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with