'Tulak' patay sa shootout
May 8, 2005 | 12:00am
Apat na tama ng bala ng baril sa katawan ang ikinamatay ng isang kilabot na drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Central Police District sa Quezon City.
Namatay noon din ang suspect na nakilalang si Francis Michael Dino, 37, alyas Mikko, residente ng 41 Calavite St., La Loma, Brgy. Salvacion ng nasabing lungsod.
Ayon kay CPD director Chief Supt. Nicasio Radovan naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa loob mismo ng bahay ni Dino.
Nabatid na nakatanggap ng report ang mga pulis ng La Loma Station hinggil sa walang humpay na pagpapaputok umano ng baril ng suspect sa kanilang lugar.
Agad na nagtungo ang mga tauhan ng pulisya sa lugar subalit pababa pa lamang sila ng sasakyan ay bigla na lamang silang pinaputukan ng suspect na si Dino.
Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti nang pagpapaputok hanggang sa magtago sa loob ng kanyang bahay ang suspect.
Tinangka ng mga awtoridad na pasukuin ito subalit muli silang pinaputukan ng suspect kung kaya muling gumanti ng putok ang mga awtoridad kung saan napatay nang tuluyan si Dino. Narekober dito ang isang .45 caliber na baril.
Ayon sa pulisya posibleng lango sa shabu ang suspect nang mapag-tripan nitong maglaro ng baril at paputukan ang lahat ng kanyang makukursunadahan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended