1 patay, 6 pa naospital sa pagkain ng suman
May 7, 2005 | 12:00am
Isa ang namatay, habang anim pa ang naospital matapos umanong kumain ng suman sa ibus na pasalubong galing Bicol, kahapon ng hapon sa Caloocan City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tala General Hospital si Jhon Carlo Aquino, 2, habang inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang mga magulang nitong sina Allan, 22; at Maricel, 23, ng #2319 Sitio Matarik, Tala ng nasabing lungsod.
Nakaratay din sa nabanggit na pagamutan sina Bernadette Aquino, 2; Ver Andre Villaruz, 9; Aldrin Aquino, 20; at Noli Aquino, mga kaanak ng nasawi at residente rin ng Sitio Matarik.
Sa nakalap na impormasyon, dakong alas-9 ng umaga nang magsimulang kumain ng suman sa ibus ang mga biktima na ipinasalubong ng kanilang kaanak na nakilalang si Emily Villaluz galing Bicol.
Makalipas ang ilang oras ay isa-isang nagsakitan ang tiyan ng mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima.
Dakong ala-1:30 ng hapon ay binawian ng buhay si Jhon Carlo habang kasalukuyan namang inoobserbahan pa ang ibang biktima.
Kasalukuyang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad upang matukoy kung ang kinaing suman ang naging dahilan ng pagkalason ng mga biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest