^

Metro

2,000 pasahero nakulong sa loob ng LRT tren

-
Tinatayang mahigit sa 2,000 pasahero ang 20 minutong nakulong sa loob ng isang tren ng Light Rail Transit (LRT) matapos hindi bumukas ang pintuan ng train nang bumaba ang pasok ng boltahe ng kuryente dahil nagluko ang tatlong circuit breaker ng Blumentritt Station kahapon ng umaga.

Ayon kay LRTA Line 1 Public Relations Officer Jinky Jorgio, dakong alas-7:02 ng umaga nang bumaba ang pasok ng kuryente nang magluko ang tatlong circuit breakers dahilan upang hindi makarating sa Blumentritt Station galing sa Tayuman Station ang tren na may plakang LRV-1064 na minamaneho ng isang Mr. Valenzuela.

Dahil dito, tumigil ang nasabing tren ilang metro ang layo patungo sa Blumentritt Station at hindi mabuksan ang pintuan nito na naging dahilan ng pagkakakulong at pinagsimulang matakot ng may 2,000 katao na pasahero nito.

Sa pagkakahinto ng nasabing tren ay napilitan na pansamantalang itigil ng pamunuan ng LRTA ang kanilang operasyon pa-south-bound direksyon dahil sa pagkaka-stranded ng libu-libong pasahero na sumasakay dito.

Agad namang gumawa ng paraan ang pamunuan ng LRTA at hinila ang humintong tren patungo sa Blumentritt Station bago pa lang makalabas at nakahinga nang maluwag ang mga nakulong na pasahero.

Dakong alas-7:22 ng umaga nang ituloy ng LRT-1 ang kanilang operasyon at hindi na ginamit ang humintong tren upang ayusin. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BLUMENTRITT STATION

DAHIL

DAKONG

EDWIN BALASA

LIGHT RAIL TRANSIT

MR. VALENZUELA

PUBLIC RELATIONS OFFICER JINKY JORGIO

TAYUMAN STATION

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with