Pekeng immigration official tiklo sa 'kikil'
May 7, 2005 | 12:00am
Pumalpak ang modus-operandi ng isang babae na nagpakilalang isang Immigration official matapos na madakip ito sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangongotong sa isang Norwegian at asawa nito, sa Ermita, Maynila.
Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang nadakip na si Angella Arevalo Brossimo, 38, ng San Pablo St., Malate habang pinaghahanap pa ang kanyang mga kasabwat na sina C/Insp. Emmanuel Nunag ng Angeles City police at isang Bobot Brossimo.
Sa ulat ng NBI, inireklamo ito ng dayuhang si Walter Casperen at Pilipinang asawa nito na si Russel Soriano, kapwa ng Balibago, Angeles City, Pampanga. Ayon sa dalawa, hinuli sila ng mga suspect noong Abril 29 kung saan nagpakilala si Angella sa alyas na Vangie matapos na makatanggap ng impormasyon na ilegal umano sa pananatili sa bansa si Casperen.
Nagpakita naman umano ng mga dokumento ang dayuhan ng kanyang legalidad sa bansa ngunit hindi ito pinansin ng mga suspect kung saan sinabihan sila na sasampahan ng ibang kaso kung hindi magbibigay ng halagang US$5,000. Bukod sa hinihingi, tinangay na umano ng mga suspect ang halagang P10,000, isang video camera at isang cellphone.
Dito na humingi ng tulong sa NBI ang mga biktima kung saan isinagawa ang pay-off nitong nakaraang Miyerkules sa loob ng Pearl Hotel sa tapat mismo ng NBI Headquarters sa Ermita, Manila.
Sa loob ng isang restaurant sa naturang hotel, nakaramdam umano ang suspect na may nagmamatyag sa kanya kaya niyaya niya ang mga biktima na mag-usap sa ibang lugar. Nang magtangka itong manakbo ay agad na dinakip na ito ng mga awtoridad.
Nahaharap na ngayon sa kasong robbery extortion ang suspect habang pinaghahanap ang kanyang dalawang kasamahan. Bineberipika rin ng NBI sa PNP kung talagang miyembro ng Angeles police ang isa sa mga suspect na si Nunag. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended