PDEA nilooban, drug evidence tangay
May 7, 2005 | 12:00am
Nilooban ng dalawang lalaki ang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan ninakaw ng mga ito ang ilang kagamitan sa paggawa ng shabu na kabilang sa mga nasamsam na ebidensiya ng ahensiya sa Quezon City.
Kasabay nito, agad namang nadakip ng mga awtoridad ang isa sa mga suspect na si Jason Panganiban, 19, pedicab driver, tubong Isabela at residente ng C-74 NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City habang pinaghahanap naman ang kasabwat nito na mabilis na nakatakbo.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Ranilo Mendoza ng CPD-Kamuning Police Station, dakong alas-3:20 ng madaling-araw kahapon nang mamataan ng security guard na si Ronald Lebatique ang mga suspect.
Nagsagawa ng roving inspection ang naturang sekyu nang mapansin nito ang dalawang suspect na bitbit ang dalawang bahagi ng boiler na ginagamit sa paglikha ng shabu.
Sinita at hinabol ni Lebatique ang dalawa kung saan ang isa ay mabilis na nakatakas habang nadakma naman si Panganiban.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa upang malaman kung may nag-utos sa suspect na looban ang PDEA. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am