^

Metro

Baklang nagbubugaw sa Malaysia, arestado

-
Inaresto ng mga tauhan ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) ang isang baklang recruiter at nagbugaw ng mga Pinay sa Malaysia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9028 (syndicated trafficking in person), syndicated illegal recruitment at estafa ang suspect na si Bryan Algire, 21, binata ng San Isidro, Cabuyao, Laguna.

Si Algire ay inaresto sa isang entrapment operation noong Mayo 5 sa Brgy. San Isidro, Cabuyao, Laguna habang nasa aktong tinatanggap ang placement fee mula sa panibagong biktima nito.

Kasama rin nitong naaresto ang isa pang bakla na si Relnado Catindig na nakiusap na tatayong state witness laban sa suspect.

Isa sa biktima ng suspect ay si Lea Supillo, 24, ng Laguna na ni-recruit bilang singer sa isang videoke bar sa Malaysia na pag-aari umano ng kapatid ng suspect.

Nabatid na ang sinasabing videoke bar ay pronta ng isang prostitusyon sa naturang lugar.

Umalis sa bansa si Supillo noong Marso 16, 2005 subalit nagulat na lamang ito na pagdating niya sa Malaysia ay sapilitan siyang ibinebenta sa mga kostumer.

Tumanggi ang biktima at para lamang makatakas ay tumalon ito mula sa ikalawang palapag ng Panview Inn sa Kuching Malaysia kung kaya nagkaroon ito ng bali sa likod.

Patuloy namang tinutugis ng mga PAIRTF ang mga kapatid ng suspect na sina Elena at Janice at isa pang kasabwat na nakilalang si Helen Segundo na nanloloko sa mga kapwa nila Pinay para lamang ibenta sa Malaysia. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

BRYAN ALGIRE

CABUYAO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HELEN SEGUNDO

KUCHING MALAYSIA

LEA SUPILLO

PANVIEW INN

PINAY

PRESIDENTIAL ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT TASK FORCE

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with