^

Metro

Holdap: Mag-asawang Tsinoy dedo

-
Patay ang mag-asawang Fil-Chinese trader makaraang ratratin ng tatlong hindi nakikilalang mga suspect na humarang sa kanila, kahapon ng tanghali sa Quezon City.

Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Efraim Go Young, 31, samantalang hindi na umabot nang buhay sa St. Luke’s Medical Center ang asawa nitong si Wendelyn Yao-Young, 29, kapwa ng #3925 Sociego St., Sta. Mesa, Maynila.

Batay sa inisyal na report na tinanggap ni Central Police District Director Chief Supt. Nicasio Radovan, naganap ang insidente dakong alas-11 ng tanghali sa panulukan ng Kapiligan St. at Araneta Avenue sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na papuntang Magsaysay Blvd. ang mga biktima na sakay ng kanilang Honda CRV na kulay gray at may plakang XKR-873 nang biglang parahin ng dalawa sa tatlong suspect sakay ng isang Honda Dio motorcycle na walang plaka.

Inutusan ng mga ito si Wendelyn na ibaba ang salamin subalit binalewala ito ng babae na siyang nasa manibela kung kaya’t walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspect ang sasakyan ng mga biktima.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon natiktikan ng mga suspect na nag-withdraw ng malaking halaga sa bangko sa mag-asawa kung kaya sinundan nila at saka hinarang ang mga ito. Isang withdrawal slip sa China Bank ang nakuha sa sasakyan ng mag-asawa.

Pinaniniwalaang ang grupo ng ‘Abuyog Robbery Gang’ ang siyang sangkot sa pagpaslang sa mag-asawa. (Ulat ni Doris Franche)

ABUYOG ROBBERY GANG

ARANETA AVENUE

CENTRAL POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

CHINA BANK

DORIS FRANCHE

EFRAIM GO YOUNG

HONDA DIO

KAPILIGAN ST.

MAGSAYSAY BLVD

MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with