WPD kumilos vs street war
May 5, 2005 | 12:00am
Kumilos na rin ang Western Police District (WPD) laban sa talamak na street war kung saan isang binata na wanted sa kasong pagpatay ang nadakip at may 20 kabataan pa ang dinampot sa isinagawang saturation drive sa Sta. Ana, Manila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Quirico Vinagrera, hepe ng WPD Station 6 ang suspect na si Fred Kennedy Perdez, 18, ng Ruby St., Sta. Ana, Manila.
Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng WPD ang Oro-B at Estrada St. sa nasabing lugar dahil sa sunud-sunod na rambol na nagaganap doon kung saan ang ilan sa mga naaresto ay pawang mga menor-de-edad. Sa rekord ng pulisya, lumabas na isang Jeffrey Zamora ang napatay ng suspect na si Perdez noong Abril 12, 2005 matapos na pagsasaksakin sa isang gang war. Ang iba namang naaresto ay kinasuhan ng bagansiya habang ang iba naman ay agad nang pinauwi matapos na maberipika na walang mga kasong nakabimbin laban sa mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended