^

Metro

3 swindler ng mga mayor timbog

-
Isang bagong modus-operandi ng isang swindling syndicate ang nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na madakip ang tatlong lalaki na nambibiktima ng mga alkalde sa malalayong lalawigan gamit ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kinilala ni NBI director Reynaldo Wycoco ang mga nadakip na sina Raul dela Peña, 58, ng Dimasalang St., Pasay City; Danilo Tiogangco at Victoriano Baterna, kapwa ng Mandaue City.

Sa ulat ng NBI-Intellectual Property Rights Division, nagpadala si dela Peña na gumagamit ng pangalang Israel Estrella ng isang sulat na may letterhead ng PCSO kay Mayor Rogelio Lago ng Baungon, Bukidnon kung saan sinabi nito na naaprubahan na ang request nito para sa isang unit ng ambulansiya at mga gamot.

Gayunman, hiningan si Mayor Lago ng P3,000 ni dela Peña na ipapadala sa isang money transfer bilang mga buwis umano. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng ambulansiya ang maliit niyang bayan ay agad itong nagpadala ng pera kay dela Peña ngunit huli na nang mabatid niya sa PCSO na walang naaprubahang request para sa kanya at walang Israel Estrella na empleyado sila.

Dito na humingi ng tulong sa NBI ang alkalde. Muli namang nagpadala ng sulat si dela Peña kay Mayor Lago na humihingi pa ito ng dagdag na P2,000 para mai-release ang ambulansiya at mga gamot. Dito na nagsagawa ng entrapment ang NBI na sanhi ng pagkakadakip ng suspect sa Pasay City habang kinukuha nito ang pera sa money transfer shop nitong Abril 29.

Kasabay ring nadakip ng mga kagawad ng NBI Central Visayas Regional Office sina Tiogangco at Baterna habang kumukuha rin ng pera sa isang money transfer shop sa Mandaue City. (Ulat ni Danilo Garcia)

CENTRAL VISAYAS REGIONAL OFFICE

DANILO GARCIA

DANILO TIOGANGCO

DIMASALANG ST.

DITO

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

ISRAEL ESTRELLA

MANDAUE CITY

MAYOR LAGO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with