Indian national natagpuang patay sa loob ng sasakyan
May 4, 2005 | 12:00am
Isang nabubulok at naaagnas na bangkay ng Indian national ang natagpuan sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan, kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Harminder Singh, 28, ng Araullo St., Bacood, Sta. Mesa na natagpuang duguan at wala nang buhay sa loob ng kanyang sasakyang gray na Honda Civic na may plakang WSP-300 na nakaparada sa harap ng ginagawang Holy Trinity Hospital sa panulukan ng New Panadera at Azusena St., Sta. Ana, dakong alas-5:30 ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, posibleng may tatlong araw nang patay si Singh dahil halos naaagnas at nangangamoy na umano ang bangkay nito ng madiskubre.
Nakita ang bangkay ng biktima sa tabi ng drivers seat ng sasakyan na may tama ng dalawang bala ng baril sa dibdib at tumagos sa likod na siyang dahilan ng kamatayan nito.
Sinabi pa ng pulisya na posibleng hindi sa loob ng kanyang sasakyan pinatay ang biktima sa dahilang walang tama ng bala ng baril sa loob ng kotse.
Nabatid na bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay nakipagkita pa ito sa kanyang kapatid may tatlong araw na ang nakalilipas at humihiram ng P600,000 upang gamitin umano sa negosyo.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended