^

Metro

Bangko nilooban: Sekyu utak

-
Mahigit sa kalahating milyong piso ang natangay ng limang armadong kalalakihan kabilang ang security guard sa bangko nang looban ng mga ito ang isang sangay ng Metrobank sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, dakong alas-8 ng umaga ng maganap ang panghoholdap sa Metrobank Marikina Branch na matatagpuan sa kahabaan ng Sumulong Hi-way, Brgy. Sto. Niño.

Nabatid na isa sa mga suspect ay stay-in security guard sa nasabing bangko na nakilalang si Benboy Penaloga ng Commodore Security Agency na siyang nagpapasok sa apat pang mga suspect na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril.

Itinali at piniringan ng mga suspect ang walong empleyado sa bangko matapos na utusan ng mga ito ang branch manager na si Alfonso Marania na buksan ang vault ng bangko.

Matagumpay na nakuha ng mga suspect ang pera sa loob ng vault at ikinarga sa kanilang kulay maroon na Isuzu Trooper at saka tumakas patungong Quezon City.

Nadiskubre lamang ang naturang panghoholdap nang maaninag sa salamin ng isa sa mga teller ng bangko na nakilalang si Sherilyn Losana na papasok pa lamang ang kanyang mga kasamahan na nakatali at nakapiring ang mga mata kaya mabilis siyang nag-report sa himpilan ng pulisya.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

ALFONSO MARANIA

BENBOY PENALOGA

COMMODORE SECURITY AGENCY

EDWIN BALASA

ISUZU TROOPER

MARIKINA CITY

METROBANK MARIKINA BRANCH

QUEZON CITY

SHERILYN LOSANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with