^

Metro

2 hijacker arestado

-
Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nagpanggap na miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI), habang pinaghahanap pa ang isang police inspector na kasabwat ng mga ito makaraang mang-hijack ng isang van na naglalaman ng meat products sa Quezon City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Guerrero Lenin, 24, buy and sell agent at Justin Deo Gonzales, 32, kapwa ng Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila, habang pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang isang P/Insp. Melchor Kintal at isa pang suspect na kasabwat ng dalawang naaresto.

Ang pag-aresto ay bunsod na rin sa reklamo ni Donato Bautista, may-ari ng Best Link Trading at residente ng #707 St. John Drive Subd., Cainta Drive, Rizal.

Napag-alaman na dakong 3:45 ng hapon ng April 30 naganap ang pangha-hijack sa van. Kasalukuyang nagdidiskarga ng mga meat products ang mga empleyado ni Bautista na sina Armando Villaflores, Nestor Villaflor at Gerard Claros sa harap ng Phil-Am Homes Subd., EDSA, Quezon City upang ilipat naman sa sasakyan ng kanilang kliyente na Syne Food Ingredients Trading nang bigla na lamang sitahin ng mga suspect na pawang armado ng baril at nagpakilalang NBI.

Agad na sumakay ang isa sa suspect sa van na naglalaman ng frozen meat products na nagkakahalaga ng P250,000 at inutusan ang driver na si Villaflores na paandarin ang sasakyan.

Lingid naman sa kaalaman ng mga suspect ay nakatawag naman sa 117 ang driver ng Syne Foods na si Ernesto Pamor na siyang naging dahilan upang agad na magresponse ang mga pulis-Baler at inabutan pa ang dalawa sa mga suspect na sina Lenin at Gonzales.

Sa follow-up operation ng awtoridad sa Caloocan ay natagpuan naman ang van ng Best Link at nailigtas din ang tatlong empleyado nito. (Ulat ni Doris Franche)

ARMANDO VILLAFLORES

BEST LINK

BEST LINK TRADING

DONATO BAUTISTA

DORIS FRANCHE

DRIVE SUBD

ERNESTO PAMOR

GERARD CLAROS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with