^

Metro

Mayor ng Baguio City iiniuutos ng Korte Suprema na arestuhin

-
Iniutos ng Korte Suprema sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapadakip kay Baguio City Mayor Braulio Yaranon.

Batay sa kautusan ng Supreme Court 3rd Division, sinabi nito na guilty si Mayor Yaranon sa kasong direct contempt matapos mapatunayang nagsinungaling ito sa Mataas na Hukuman nang sabihin nito sa liham na kanya nang sinunod ang kautusan ng korte na nag-aatas na buksan ang parking spaces na pinatatakbo ng Jadewell Parking System Corporation.

Sinabi niya sa liham na may petsang Pebrero 21, 2005 na bukas na bukas na sa publiko ang nasabing parking space sa Burnham Park karugtong ng Abad Santos Drive, Lake Drive at Harrison Road na inirereklamo ng Jadewell.

Subalit napatunayang walang katotohanan ang nilalaman ng liham ni Yarano kaya’t nitong nakaraang Abril 4, 2005 ay inatasan ng Korte Suprema si Baguio City Regional Trial Court (RTC) Judge Iluminada Cabato-Cortes na inspeksiyunin kung natupad na ni Yaranon ang kautusan ng korte.

Subalit muling natuklasang hindi pa rin sumusunod sa kautusan ang alkalde kaya’t nagpasya ang Mataas na Hukuman na kastiguhin ito.

Nabatid na inireklamo ng Jadewell Parking Systems Corp. na nag-ooperate ng pay parking services sa Baguio City si Yaranon dahil sa pagtanggi nito na buksan ang nasabing paradahan.

Bilang karagdagang parusa, pinagmumulta pa si Yaranon ng halagang P10,000.

Bukod sa alkalde, posibleng kastiguhin din ng SC ang abogado ni Yaranon kung mapapatunayang may pagpapabaya ito sa paghawak ng kliyente. (Ulat ni Grace Amargo-dela Cruz)

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY MAYOR BRAULIO YARANON

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

BURNHAM PARK

GRACE AMARGO

HARRISON ROAD

HUKUMAN

JADEWELL PARKING SYSTEM CORPORATION

KORTE SUPREMA

YARANON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with