Ginang pumalag sa rape, kinatay
May 1, 2005 | 12:00am
Nasawi ang isang 26-anyos na ginang makaraang pagsasaksakin ng adik niyang kapitbahay nang manlaban ang una sa tangkang panghahalay ng huli, kahapon ng madaling- araw sa Navotas.
Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Cristina Santos, ng #160 Yellow Bell St., Brgy. North Bay Boulevard South ng nasabing bayan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspect na si Reynaldo Buenviaje, 16, kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente dala ang ginamit na patalim.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rafael Espadero, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa loob mismo ng kuwarto ng biktima sa unang palapag ng kanilang bahay.
Nabatid na mahimbing na natutulog si Cristina nang pasukin ito at tangkang halayin ng suspect na armado ng patalim.
Gayunman, pinaniniwalaang nanlaban ang biktima kung kaya pinagsasaksak ito ng suspect.
Inakala ng suspect na patay na ang biktima kung kaya mabilis itong tumakas.
Sa kabila na maraming saksak ang tinamo nakuha pa ng ginang na makagapang at makahingi ng tulong sa kasambahay kung saan nakuha pa nitong banggitin ang pangalan ng suspect.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pang buhay.
Nabatid pa sa ulat na sugapa sa droga ang kapitbahay na suspect na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended