^

Metro

Buong puwersa ng NCRPO inalerto sa Labor Day

-
Handang-handa na ang buong puwersa ng kapulisan sa Metro Manila matapos na ilatag ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng PNP ang kanilang mga hakbangin para sa mga grupong magsasagawa ng kanilang rali bukas (Mayo 1) sa pagdiriwang ng Labor Day.

Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni DILG Secretary Angelo Reyes na limang puntos ang dapat na ikonsidera ng kapulisan sa Araw ng Paggawa.

Kinabibilangan ito ng pagbibigay ng respeto sa karapatan ng mga cause-oriented groups na magsasagawa ng rali, katiyakan na ang pagsasagawa ng rali ay naaayon sa batas, magpapatupad ng maximum tolerance, monitoring sa mga nagra-rali upang matiyak na walang gulong magaganap at panawagan sa mga raliyista, protesters na bantayan ang kanilang hanay upang hindi mapasok ng ibang grupo at criminal elements.

Ayon kay Reyes, kailangan na mabigyan ng pagkakataon ang mga labor group at iba pang cause oriented groups na ipaalam ang kanilang mga karapatan lalo pa’t sa nagaganap na sitwasyon sa bansa.

Hindi umano maaaring sikilin ang karapatan ng mga ito dahil lalabag lamang ang pamahalaan sa batas.

Bukod sa ikakalat na libong pulis, pakikilusin din ng MMDA ang may 2,000 nilang traffic enforcers para tiyakin na walang magaganap na karahasan sa pagdiriwang ng Labor Day.

Tinatayang nasa 30,000 manggagawa ang lalahok sa malawakang pag-aklas at ang magiging assembly points ng mga ito ay ang Plaza Miranda, PGH Taft Avenue, Moriones St., Tondo, Carriedo sa Sta. Cruz at ilang piling lugar sa Quezon City at Makati City.

Kasabay nito, kabi-kabilang kilos protesta rin ang isasagawa sa Baguio, Central Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Cebu, Eastern Visayas, Negros, Davao Provinces, Southern Mindanao at iba pang pangunahing rehiyon sa bansa. (Ulat nina Doris Franche,Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

BICOL REGION

CENTRAL LUZON

DAVAO PROVINCES

DORIS FRANCHE

EASTERN VISAYAS

JOY CANTOS

LABOR DAY

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with