Hapones hulog mula sa ika-33 palapag, patay
April 29, 2005 | 12:00am
Sanhi ng labis na kalasingan, isang Japanese national ang tumalon mula sa ika-33 palapag ng condominium na kanyang tinutuluyan sa Makati City, kahapon ng madaling-araw.
Lasug-lasog ang katawan at dead-on-the-spot ang biktimang si Shigekazu Morikawa, 40, nanunuluyan sa Unit 3305 Regent Bldg., sa Tordesillas St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air, Makati.
Sa pahayag ng kaibigan at employer ng biktima na si Hiroyuki Gishida, Japanese national, sa Makati City Police, nabatid na nagtungo muna sila nito sa isang Japanese restaurant at doon kumain at nag-inom.
Pagkagaling dito ay pumunta naman sila ng massage parlor at nagpamasahe sila ng biktima.
Dakong alas-5:30 ng umaga, natagpuan ang lasug-lasog na katawan ng biktima sa panulukan ng Tordesillas at Bautista St., Salcedo Village, Brgy. Bel-Air, Makati City.
Nabatid na saka lamang nalaman ni Gishida na patay na ang biktima nang katukin ito ng mga pulis sa condo unit na tinutuluyan nito kung saan kasama niya rito si Morikada. Matapos i-report ng mga guwardiyang nakatalaga sa Regent Building ang insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sanhi ng kalasingan ng biktima, tumalon umano ito mula sa ika-33 palapag ng tinutuluyan nitong condominium.
Sa kabila nito, masuri pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang kaso kung ang biktima nga ba ay tumalon o itinulak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest