Dealer, putol ang kamay sa regalong granada
April 29, 2005 | 12:00am
Naputol ang kamay ng isang newspaper dealer, habang lima katao pa ang nasugatan matapos na masabugan ng granadang iniregalo ng isang ginang na naghiganti dahil ipinakulong siya ng una na naganap, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Nilalapatan ng lunas sa Medical Center ng Muntinlupa ang biktimang si Ramon Borja, 52, newspaper dealer, ng Brgy. Putatan ng nabanggit na lungsod na naputol ang kaliwang kamay.
Bukod dito, sugatan din sa pagsabog sina Efren Reyes, 28; Rene Malvas, 47; Noel Palma, 32; Harlan Medina, 36 at Mario Fernandez.
Kaagad namang tumakas ang suspect na si Rachel de Vera, alyas Cheche, 25, matapos ang pangyayari.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa panulukan ng Estanislao St. at National Road, Brgy. Putatan ng nabanggit na lungsod.
Minamaneho ni Borja ang kanyang Kia Pregio van at sakay nito ang kanyang pamangking si Marvin de Guzman, 13.
Biglang sumulpot sa harapan nila ang ginang kung saan huminto si Borja at binuksan ang bintana dahil sa senyas ng ginang na may ibibigay ito sa kanya.
Mabilis na kinuha ng ginang ang granadang nakaipit sa kanyang kili-kili at saka tinanggalan ng pin at inihagis sa harapan ni Borja. Naging maagap naman si Borja at mabilis na kinuha ang granada at saka inilabas ng sasakyan pero huli na at sumabog ito sa kanyang kamay. Nadamay sa pagsabog ang lima katao na tiyempong dumadaan ng mga oras na iyon. Masuwerte na hindi naman nasugatan ang pamangkin ni Borja sa loob ng sasakyan.
Nabatid na posibleng paghihiganti ang motibo ng ginang dahil sa ipinakulong na ito ni Borja sa kasong pagnanakaw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended