27 arestado sa P20-M nakaw na fuel oil
April 29, 2005 | 12:00am
Dalawamput pito katao ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Maritime Group (PNP-MARGROUP) matapos na maharang ang dalawang barko na naglalaman ng P20-M jet A-fuel oil ng Petron Company na ibinebenta sa murang halaga sa isinagawang operasyon sa Manila Bay kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ng PNP-Margroup, nabatid na dakong alas-4 ng madaling-araw nang maharang ang barkong M/T Margarita at M/T Lolita na naglalaman ng naturang fuel oil.
Base sa imbestigasyon, may kabuuang 1.2 milyong litro ng fuel oil na nagkakahalaga ng P20-M ang nakuha sa M/T Margarita kung saan ang naturang barko ay pinamumunuan ni Capt. Dizon Abejo. Ang nasabing barko ay nagbabagsak ng fuel sa M/T Lolita na dala naman ni Capt. Cabigas Cipriano nang maharang ng mga operatiba ng PNP-Margroup.
Nabatid na ang Shogun Ship Inc. na pag-aari ni Enrique Manalang na siyang presidente ng kumpanya ang nagmamay-ari ng M/T Margarita, habang ang M/T Lolina ay pag-aari naman ni Lolita Co. Ang nasabing bulto ng mga fuel oil ay nagmula umano sa Bataan Petron Refinery Company.
Ayon sa mga awtoridad, ang kapitan at mga tripulante ng M/T Margarita ay nadiskubreng nagbebenta ng fuel sa mababang halaga kay Lolita Co sa pamamagitan ni Orlando Macaraig na empleyado ng kumpanya at kay Capt. Cabigas ng M/T Lolina na wala umanong permiso ng Petron Company.
Nasakote sa operasyon ang sampu katao sa M/T Lolita kaugnay ng paglabag sa anti-fencing law at 17 naman mula sa M/T Margarita sa kaso namang qualified theft.
Nasamsam mula sa mga sakay sa dalawang barko ang isang hand-held radio na may charger, dalawang cellphone at P20,000 cash habang nakuha naman kay Macaraig ang isang caliber .9mm pistol.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong anti-fencing law at qualified theft laban sa mga nasakoteng suspect na ngayoy nakapiit sa NCR-01 ng Maritime Police Station. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest