Inaresto ng pulisya ang suspect na si Eliseo Gonzales, 31, kahapon habang pinapangunahan naman nito ang paglilinis sa mga vendor sa Balintawak Public Market sa Quezon City.
Iprinisinta ni Manila Mayor Lito Atienza ang suspect na una nang ipinanawagan kay MMDA Chairman Bayani Fernando na isuko ito upang papanagutin sa batas. Itoy sa kabila naman nang pagtanggi ng MMDA na tauhan nila ang namaril sa naturang insidente.
Matatandaan na nagkaroon ng madugong komprontasyon sa pagitan ng MMDA sidewalk clearing team at mga pedicab boy sa panulukan ng Pres. Quirino Avenue at Anakbayan St., Paco noong Abril 22.
Dito nabaril sa ulo ang biktimang si Danilo Peralta na nasawi sa pagamutan, habang malubhang nasugatan naman ang isa pang padyak boy na si Mario Quinones, 32, matapos na may magpaputok ng baril sa panig ng MMDA.
Ang pagkakadakip sa suspect ay matapos ang masusing imbestigasyong isinagawa ng pulisya sa pagkakakilanlan nito. Positibo naman itong itinuro sa police line-up ng nakaligtas na biktima na si Quinones at ng kapatid ni Peralta. (Ulat ni Danilo Garcia)