^

Metro

Suzette Wang, 5 pa kinasuhan ng kidnapping

-
Tuluyan nang sinampahan ng kasong kidnapping for ransom ng Department of Justice (DOJ) ang dating girlfriend ni ex-congressman Dennis Roldan na si Suzette Wang dahil sa pagiging umano’y utak nito sa pagdukot sa 3-anyos na si Kenshi Yu.

Batay sa 15-pahinang resolution ni State Prosecutors Pablo Formaran III at Irwin Maraya, mayroong matibay na ebidensiya laban kay Wang at lima pa nitong kasamahan, kung saan nagsabwatan ang mga ito upang maisagawa ang pagdukot kay Yu.

Kasama ni Wang na sinampahan ng kaso ay sina Noel San Andres, Romeo Orcajada, Rowena San Andres, Octavio Garces at Adrian Domingo.

Samantalang ang akusadong si Alberto Pagdanganan ay hindi naman nakasuhan dahil sa pagiging state witness nito hinggil sa naturang kaso. Ito ang nagturo kay Roldan at Wang na umano’y mga utak sa kidnapping.

Una nang sinampahan ng kasong kidnapping si Roldan.

Magugunita na noong Marso 7, nagpalabas ng Hold Departure Order (HDO) si Justice Secretary Raul Gonzales laban kay Roldan, Wang at iba pang kasabwat ng mga ito sa pagkidnap sa paslit na si Kenshi. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ADRIAN DOMINGO

ALBERTO PAGDANGANAN

DENNIS ROLDAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOLD DEPARTURE ORDER

IRWIN MARAYA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALES

KENSHI YU

NOEL SAN ANDRES

OCTAVIO GARCES

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with