^

Metro

BF hinamon ni Atienza

-
Hinamon kahapon ni Manila Mayor Lito Atienza si MMDA chairman Bayani Fernando na ilabas at isuko ang isa niyang enforcer na namaril at nakapaslang sa isang pedicab driver at nakasugat ng isa pa sa isang madugong clearing operation sa lungsod kamakailan.

Sinabi ni Atienza na nararapat na huwag pagtakpan ng MMDA ang kanilang tauhan upang mabigyan ng katarungan ang nasawing biktima na si Danilo Peralta at ang nasugatang si Mario Quinones.

Matatandaan na nagkasagupa ang mga tauhan ng MMDA na pinamumunuan umano ng isang lalaking nakasuot ng barong at mga pedicab driver sa may Quirino Avenue noong nakaraang Biyernes.

Nagkaroon ng batuhan kung saan isang enforcer ang nasugatan.

Gumanti naman ng putok ng baril ang tauhan ng MMDA na nakabarong kung saan tinamaan sa ulo si Peralta at tinamaan din si Quinones. Agad na nagsitakas ang clearing team ng MMDA matapos ang pamamaril.

Ipinag-utos naman ni Atienza sa WPD na agad na kilalanin ang naturang suspect at arestuhin matapos na dumulog sa Manila City Hall ang mga magulang ng dalawang biktima.

Idinagdag pa nito na naka-ban ngayon ang lahat ng MMDA enforcer sa Maynila hangga’t hindi nareresolba ang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ATIENZA

BAYANI FERNANDO

BIYERNES

DANILO GARCIA

DANILO PERALTA

GUMANTI

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARIO QUINONES

QUIRINO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with