^

Metro

Anak ni Gen. Matillano kakasuhan

- Edwin Balasa -
Kakasuhan sa Pasig City Prosecutor’s Office ang anak ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Gen. Eduardo Matillano matapos na suntukin at tutukan ng baril ang isang pulis na nakabangga ng kanyang kaibigan sa Pasig City.

Si Bruce Matillano, 32 ng #7 Farauk St. Kingsville Subdivision, Antipolo City ay sasampahan ng kasong Direct Assault ng biktimang si SPO1 Gerono Destajo, 42 nakatalaga sa PACER matapos na manuntok at manutok ng baril.

Lumilitaw sa ulat ng pulisya na naganap ang insidente noong Abril 19 dakong alas-11:45 ng gabi sa kahabaan ng Meralco Ave. kung saan lulan ng kanyang Toyota Revo ang biktima at mabangga sa likuran ng Mercedes Benz na may plakang PLY-196 na minamaneho naman ni Beejay Punzalan, kaibigan ni Bruce.

Nabatid na tinawagan ni Punzalan si Bruce habang hinihintay ang pagdating ng traffic investigator na si SPO2 Manuel Umaguin.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating si Bruce kasama ang ilan pang kaibigan at kinompronta ang biktima sa pagsasabing " Sino ka? Anak ako ni CIDG Director, pulis din ako."

Nang dumating si Umaguin at nagsasagawa ng pagsisiyasat, bigla na lamang kinuha ni Bruce ang kanyang baril at tinutukan si Destajo kasunod ng isang suntok sa panga nito habang isa pang kaibigan nito ang sumipa naman sa likod ng biktima.

Napag-alaman na maaari ding sampahan ng kasong Usurpation of Authority si Bruce sakaling mabigo itong magpakita ng kanyang PNP-ID matapos na magpakilalang pulis.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BEEJAY PUNZALAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECT ASSAULT

DIRECTOR GEN

EDUARDO MATILLANO

FARAUK ST. KINGSVILLE SUBDIVISION

GERONO DESTAJO

MANUEL UMAGUIN

MERALCO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with