P 5-M naabo sa sunog
April 24, 2005 | 12:00am
Aabot sa P5 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos lamunin ng malakas na apoy ang isang mansion na pag-aari ng isang negosyanteng Filipino-Chinese kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Ayon kay SFO1 Ferdinand Caoayan ng Parañaque City Fire Dept., dakong alas-5:58 ng hapon nagsimulang kumalat ang apoy sa mansion ni Consuelo Cheng, ng Katigbak Drive, Brgy. Tambo ng lungsod na ito.
Agad na nagresponde ang mga bumbero sa naturang lugar at matapos ang tatlong oras ay idineklara na under control na ang sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa sunog subalit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended