1 patay sa bigong P3 milyon robbery
April 23, 2005 | 12:00am
Bigong P3-M robbery at hindi kidnapping ang pakay ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect na bumaril at nakapatay sa isang company driver, kahapon ng tanghali sa Mandaluyong City.
Ayon kay Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police, nag-withdraw ng halagang P3 milyon sa isang bangko sa kahabaan ng Shaw Blvd. ang biktimang si Rachel Alberto, 30, driver sa WRC Group of Co. kasama ang isa pang empleyado. Lulan si Alberto sa isang itim na Pajero, habang ang pera na winithdraw ay nasa kabilang sasakyan.
Mistulang back-up vehicle ang Pajerong minamaneho ni Alberto.
Subalit naipit sa trapik ang sinasakyan ni Alberto kaya napahiwalay ito sa kasamang sasakyan.
Hinarang ng tatlong suspect na lulan sa isang motorsiklo ang sasakyan ni Alberto at inakalang ito ang may dala ng pera kung saan agad na pinaulanan ng putok ng baril ang biktima na tinamaan sa kili-kili at hita na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Bumaba ang dalawa sa mga suspect at hinalughog ang loob ng Pajero subalit walang nakitang pera, kung saan mabilis na nagsitakas.
Malaki ang hinala ng pulisya na inside job ang naganap na insidente dahil alam ng mga suspect kung saan at anong oras nag-withdraw ng pera ang dalawang drayber.(Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended